Mga mag-aaral sa High School



Ang HandWallet ay ginagamit ng maraming mag-aaral sa sekondarya na pinapamahalaan ang sarili nilang "pocket money" o may mga side hustle sa kanilang mga bakanteng oras. Ang mga mag-aaral na nag-download at gumamit sa programang ito ay lubos na nasisiyahan sa malinaw at madaling gamitin na interface at sa mga opyson para sa introduksyon ng mga personal na kategorya.

Mga estudyante sa Unibersidad



Ang HandWallet na software ay labis na sikat sa mga mag-aaral na kailangang pamahalaan ang kanilang mga "limitadong" badyet at kailangang panatilihin ang istriktong pangangasiwa sa kanilang mga kita at gastos. Libu-libong estudyante sa buong mundo ang nag-download na ng HandWallet at regular na naglalagay dito ng datos. Nakatatanggap kami ng maraming liham at mga referral buwan-buwan mula sa mga mag-aaral na humihiling ng mga espesyal na pagbabago at pagdagdag ng mga katangian na akma para sa istilo ng pamumuhay ng isang estudyante —magkasamang panunuluyan sa iisang bubong, pamamahagi ng mga pagbayad para sa mga bayarin sa Unibersidad, mga iskolarsip, mga diskwento, atbp.

Mga pamilya

Ang pangangailangang mag-ipon at matalinong pamamahala sa aspeto ng pananalapi ng isang pamilya ay mas mahalaga na ngayon kaysa dati. Nagiging klaro na ang pagplaplano sa aspeto ng pananalapi ng karaniwang pamilya ay kumplikado at hindi gaanong naiiba sa pamamahala ng isang negosyo: ang isang pamilya ay may permanente at manaka-nakang mga gastos para sa iba't ibang mga bagay at may permanente at paminsan-minsang mga kita mula sa iba't ibang mga mapagkukunan. Lalong nagiging kumplikado ang mga bagay dahil ang karamihan sa mga pamilya ay may hawak na maraming bank account at iilang mga credit card, at ang mga kita at gastos ay nanggagaling mula sa lahat ng miyembro ng pamilya. Libu-libong pamilya na ang pumili sa HandWallet bilang isang mahalagang programa para sa pamamahala ng kanilang pananalapi. Pagkatapos lamang ng maikling panahon ng paggamit, maraming indibidwal na ang nag-ulat na mas napabuti nila ang kanilang istilo sa pamamahala sa pananalapi, nagkaroon ng mas mahusay na kontrol sa kanilang mga bank account, nakatuklas ng mga maling transaksyon sa kanilang mga debit, at hindi na nagugulat nang husto sa araw ng pag-debit ng kanilang mga credit card. Nagagawa na nilang maiwasan o bawasan ang mga overdraft at may mas mahusay ng kakayahan sa pagtutok sa mga bagay na "nakakaubos" ng badyet.

Mga manlalakbay at mga nananatili sa ibang bansa



Ang HandWallet Pro ay isang walang katulad na kagamitan para sa mga manlalakbay at sa mga nananatili sa ibang bansa. Gamit ang HandWallet, naging posibleng malaman kung magkano ang kabuuang mga gastos para sa panunuluyan, pagkain, o pagpasok sa mga site sa anumang partikular na pagkakataon, kahit na sa paglalakbay mula sa isang estado patungo sa kabilang estado. Maaari mong tingnan ang lahat ng iyong mga gastos sa perang Dolyar, nang hindi na kinakailangang abalahin pa ang iyong sarili sa mga rate ng palitan at hindi na kinakailangang tandaan pa kung ano ang rate para sa bawat panahon ng paglalakbay. Kung maraming mga indibidwal ang magkasamang naglalakbay, ang lahat ng accounting para sa bawat miyembro ay maaaring kalkulahin sa tulong ng HandWallet Pro.

Mga manggagawang self-employed at may-ari ng maliliit na negosyo

Para sa mga self-employed at may-ari ng maliliit na negosyo, ang HandWallet ay mapapakinabangan para sa iba't ibang layunin, mula sa pangangasiwa ng ilang partikular na aktibidad ng negosyo hanggang sa buong pamamahala ng mga gastos at kita. Gamit ang HandWallet, posibleng malaman sa bawat yugto kung sa anong presyo nabili o naibenta ang isang item at kung kanino ito nabili o naibenta. Posibleng ikompara ang mga presyo na na sa iba't ibang mga pera at piliin ang mas suwak na opsyon kung may iba't ibang opsyon na bukas para sa pagbili ng paninda. Ang inaasahang cash flow ay maaaring malaman nang mas maaga at ayon sa makukuhang impormasyon, maaaring planuhin ang mga naantalang pagbayad. Ituturo sa iyo ng HandWallet kung anu-ano ang iyong mga pangunahing kita sa isang partikular na panahon at kung anu-ano ang iyong mga pangunahing gastosin. Ipapakita ng HandWallet kung kailan sulit na maglipat ng pera sa pagitan ng mga bank account at kung kailan mas wais na umutang at kung paano ito iiskedyul. Posibleng laruin ang iba't ibang mga parameter ng bawat kaganapan tulad ng antas ng interes, ang bilang ng hati-hating pagbayad, ang porsyento ng linkage, atbp., at makakatulong ito na mahanap ang mas suwak na opsyon sa pagbayad. Pinakamahalaga - ang datos ng negosyo na pinili mong ilagay sa system ay makakasama mo kahit saan sa iyong palm computer - sa iyong negosyo mismo, sa bahay, sa mga negosasyon sa isang importer at kapag ikaw ay nasa ibang bansa at sinusuri ang mga bagong produkto.

Mga malalaking kompanya

Ang HandWallet Business ay nagbibigay ng kumpletong solusyon para sa isang kinatawan ng kumpanya na nasa isang business trip sa ibang bansa. Labis na pinapadali ng HandWallet ang pagdokumento sa paglalakbay na magagamit sa layuning may kinalaman sa buwis: mapupunan ng manlalakbay ang lahat ng mga gastos sa mismong oras gamit ang tamang paghati sa mga kategorya at ayon sa mga itinakdang panuntunan. Maaari niyang malaman sa anumang yugto kung magkano ang kanyang nagastos at sa kung saan ito ginastos, at maaaring ma-update ang computer o ang accountant ng kumpanya sa panahon ng kanyang paglalakbay. Ang HandWallet Business ay papahintulutan kang tamasahin ang lahat ng mga pakinabang ng mga nakababatang kapatid nito, at bilang karagdagan pa ay maaaring maglagay ng mga resibo o numero ng awtorisasyon, mga invoice at porsyento ng buwis (kung mayroon man) sa bawat kaganapan. Ang isang kinatawan ng Kumpanya na may HandWallet, habang nasa ibang bansa, ay maaaring maglagay ng mga gastos sa ibang currency upang makita ang mga pagtaas sa Dolyar o Euro! Bukod dito, makikita niya ang katumbas ng mga gastos at kita na ginawa sa Dolyar o Euro sa lokal na pera at sa gayon ay madaling maiihahambing ang mga presyo.